Kabanata 35 TAPOS na siyang magbihis nang may kumatok naman sa labas ng kanyang kuwarto. She open it and she was expecting that it was Kei, pero nagkamali siya. Si Daisy lang pala ang kumakatok. "Bakit Daisy? May kailangan ka?" "Pinapatawag na raw po kayo ni sir Kei, ma'am. Nakahanda na po kasi iyong dinner." "Sige," aniya at lumabas din naman ng kanyang kuwarto. "Nandiyan pa rin ba ang babaeng bisita ni Kei?" mahinang tanong niya kay Daisy habang pababa sila ng hagdanan. "Nandiyan pa po ma'am," nakasimangot naman nitong sagot. "What's with that face?" kunot-noo niyang tanong kay Daisy. "Kung ano-ano po kasi inuutos ma'am tapos hindi na po namin iyon trabaho." Nasa baba na sila kaya hindi na siya nagsalita pa dahil baka marinig pa ito ni Monika. Tinapik niya lamang ang balik