Kabanata 79 NANG makauwi siya ng bahay ay agad din naman niyang iginarahe ang kanyang sasakyan. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang kanyang mga gamit at lumabas ng sasakyan. She went straight inside the house. Naabutan niya si Kei na nanonood ng television habang kumakain. When she take a closer look. Her eyes immediately sparklers. "Kei, pahingi ako niyan," aniya pa at parang batang paslit na tuwang-tuwa sa nakita niyang pagkain. Agad siyang umupo sa tabi nito. Nagulat naman si Kei sa kanya. Matamis niya lamang itong nginitian. Siguro iniisip nito ngayon na parang isip bata siya pero wala siyang pakialam doon. Her eyes focus on the food. "You're too noisy," litanya pa ni Kei habang nakasimangot sa kanya. Nagsusungit na naman ito at nakasanayan niya na lang din ang pag-uugali nito.