Kabanata 82 NANG naroon na sila sa pool area ay nakita niyang nagkakasiyahan nga ang mga katulong nila. Kasama rin ng mga ito ang ilan nilang guwardiya. "Do you feel hungry? Let’s eat," alok pa ni Kei sa kanya. Tumango lamang siya. "Ay ma'am Kristina, kumain na ho kayo," alok naman sa kanya ni Maya. Ngumiti lang siya rito. "Happy birthday Daisy," bati niya rito. "Salamat po ma'am Kristina," sagot naman ni Daisy sa kanya. Matamis niya lamang itong nginitian. “Maayos na po ba ang pakiramdam niyo, ma’am Kristina?” tanong pa ni Maya sa kanya. “Okay na ako Maya. Huwag na kayong mag-alala.” “Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa iyo anak,” wika naman ni Manang Nida. “Sa awa ng Diyos ay wala naman po ‘nay. Pasensiya na po at pinag-alala ko kayo.” Ngumiti lang si Manang Nida sa