Kabanata 57 Lumapit siya at umupo sa table kung saan nakaupo si Kei. Nang bumaling siya kay Sandra, todo thumbs up ito sa kanya. Halatang gustong-gusto nito ang ginagawa niyang first move. "What did you do to her?" Kei asked her suddenly. Bumaling siya kay Kei. "Ha? Nothing," maang niya pa. Pumasok naman si Monika at umupo sa tabi ni Kei. Agad na nalukot ang kanyang mukha. "Monika, for once, ayaw kong makita ang pagmumukha mo. Umupo ka sa likod," matigas na wika ni Kei. "Kenjie naman. You're so harsh to me. Alam mo namang gusto ko palaging nasa tabi mo," lambing pa ni Monika sabay hawak sa braso ni Kei pero mabilis itong inalis ni Kei. "Monika, don't get me pissed," mariing banta ulit ni Kei rito. "Bakit si Kristina, puwede!? Bakit ako, hindi?" "Because you are not her. No