Kabanata 122 NANG makauwi siya ng bahay at ma-ipasok sa loob ng bakuran nila ang kanyang sasakyan ay agad din naman siyang bumaba. Nagulat pa siya nang makitang mas nauna pang dumating si Monika kaysa sa kanyang. "Aso ka ba? Bakit ba sunod ka nang sunod kung nasaan ako?" mangha niyang ani nang makalapit siya kay Monika. "I just want Kenjie," mariin nitong ani. Ngayon niya lamang nakita nang husto ang itsura ni Monika dahil sa liwanag na nagmumula sa kanilang bahay. She looks so haggard at halatang kulang ito sa tulog. "Be my guest Monika. Halughugin mo ang buong mansyon namin. Kapag napagod ka, just feel free to leave," aniya at nilagpasan na ito. Pumasok na siya sa loob ng bahay at agad din naman siyang umakyat sa hagdan. "Kenjie! Where are you? Are you here? Don't hide from me!?"

