Kabanata 141 KINABUKASAN ay sobrang excited niya nang magising siya. Dahil magkakausap na sa wakas si Kei at si Mommy Melinda. She can't wait to see them talking heart to heart on each other. Well, she wasn't expecting a happy ending to their upcoming conversation but at least, Kei give it a try and she did her best to make it happened too. Dali-dali siyang bumangon at bumaba ng kama. Mabilis din naman niyang hinagilap ang kanyang mga damit. Kinuha niya rin ang robe ni Kei at isinuot ito. Pagkatapos ay bumaling siya sa asawa. Mahimbing pa rin ang tulog nito at halatang napagod ito nang husto kagabi. Matamis siyang napangiti at lumapit dito. Hinalikan niya si Kei sa noo. Pagkatapos niyon ay lumabas din naman siya ng kuwarto nito at lumipat sa kanyang kuwarto. Mabilis siyang naligo at

