Kabanata 49 Nang makauwi sila ay agad din naman na inalalayan ni Kei si Manang Nida na makapunta sa kuwarto nito para makapagpahinga. Siya naman ay nagpunta agad sa kusina para ipagluto si Kei dahil alam niyang hindi pa ito kumakain ng dinner. Todo alalay din naman si Maya at Daisy sa kanya pero bukas na bukas din ay tatawag siya sa agency para kumuha ng bagong mga katulong. "Kristina! Why did you guys leave me at the hospital!?" galit na salubong ni Monika sa kanya habang abala siya sa pag-aayos sa dining table. She face Monika. "Huwag ako ang talakan mo. Si Kei ang kausapin mo tungkol diyan at isa pa Monika, siguro naman marunong kang makiramdam na naaalibadbaran na si Kei sa iyo. Masiyado ka namang insensitive. Alangan din naman na unahin ka niya. Mas importante si Manang Nida sa k