Kabanata 109 NANG nasa hospital na sila ay agad din naman silang nagpunta sa ICU. At dahil isa lang ang puwedeng pumasok ay hinayaan niya na si Kei muna ang pumasok sa loob. Naghintay lang silang dalawa ni Daisy sa labas, sa may waiting area. Si Maya naman ay pinauwi niya na rin nang makapagpahinga na muna. "Ma'am Kristina? Gusto niyo po bang ibili ko kayo ng kape?" tanong sa kanya ni Daisy. "Sure Daisy, salamat. Mukhang kailangan ko nga niyan," sagot niya at tipid na ngumiti rito. Tumayo naman na si Daisy at iniwan siya saglit. Nahilot niya ang kanyang batok. She still feel tired. Kulang na kulang ang oras na itinulog niya. Parang gusto pa nga niya ang humilata sa kama buong araw. She feel so drained and exhaustion is eating up her whole body system. She sighed. Bumalik naman na

