Kabanata 117 "Bakit ka nandito Monika? Hindi mo pa ba natatanggap ang restraining order letter?" tanong ni Kei rito. "I did but you can't stop me from going to you over and over again Kenjie. Alam mo kung bakit at hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko," matigas na sagot ni Monika. "You should stop what you are doing Monika. Hindi mo makukuha ang gusto mo. How can you take me away from Kristina when she's my lawfully wife?" prangkang wika ni Kei. Natigilan naman si Monika sa sinabi ni Kei. Habang siya naman sa isang sulok ay halos abot tainga ang kanyang mga ngiti dahil sa wakas, hindi na siya itinanggi ni Kei bilang asawa nito. Harap-harapan na nitong sinasabi kay Monika na asawa siya nito. "You are lying! Kristina is not your wife Kenjie! Ang dami ko nang pinag

