Kabanata 107 KINABUKASAN, nagising siya nang wala sa tabi niya si Kei. Laglag ang kanyang mga balikat nang bumangon siya sa kama. Iniisip niya kung nagkamali ba siya sa ginawa niyang pagtatapat kagabi. Pero ni katiting ay wala naman siyang naramdaman na matinding pagsisisi. Ginusto niya ang umamin dahil hindi niya na kaya pang itago ang nararamdaman niya. Huminga siyang nang malalim. Iyon nga lang ay hindi niya madaling nakuha ang sagot ni Kei. He was still holding back and she understand him. Maybe he has a lot of things to settle first before giving himself to her. Lalo na at hindi pa sila tapos sa problema nila kay Monika. Bumuntong-hininga siyang muli at bahagyang napailing ng kanyang ulo. She must stop overthinking and act normal as if like nothing happened last night. Bumab

