Kabanata 136 PAGKATAPOS nilang kumain ay buong maghapon silang nag-road trip ni Kei. Iyon ang gusto nito dahil ayaw pa nitong umuwi. Nag-enjoy din naman siya at kung saan-saan na nga sila napadpad hanggang sa inabot na sila ng gabi. "Kei, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong niya dahil malapit lang sila sa kanilang subdivision. "Uuwi na," tipid naman nitong sagot. Hindi na siya umimik pa at sa labas na lamang itinuon ang kanyang atensyon. NANG makauwi na sila ng bahay ay wala na nga ang sasakyan ni Mommy Melinda. Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na lamang at umuwi na ito dahil baka may magawa si Kei na hindi maganda rito. Nang huminto ang sasakyan ay agad din naman siyang bumaba. She went first inside their house. Umuna rin siya sa pag-akyat sa hagdan at nang nasa itaas na siya ay hin

