22 – Winning Alexander’s Point of View “So, what’s with this celebration?” kunot-noong tanong sa akin ni Alas habang umiinom siya ng alak. Nakasandal siya sa couch at nakade-quatro. Akala ko talaga hindi siya makakapunta dahil may pagka-strikta pa naman si Ligaya pagdating sa mga inom-inom, lalo na ‘pag ako ang nag-aaya dahil baka raw idamay ko pa si Alas sa pambababae ko. “Kaya nga,” segunda naman ni Thadeus. “Did you find your one true love already?” dagdag niya bago nagsalin ng alak sa baso niya. Isa rin ‘tong lalaking ‘to, kung hindi lang ako pumayag sa gusto ni Lorraine na sa condo ko na lang kami iinom, hindi rin papayagan dahil ako raw ang kasama at baka isangkot ko pa sa kung anong kalokohan ang kaibigan ko. “One true love my áss,” nandidiring tugon ko bago lumagok ng alak. “I

