91 – Reconciliation Alexander’s Point of View I made a promise to myself to never forgive her for ruining my life—for breaking my heart and leaving me alone. Alam kong isinumpa ko siya sa loob nang maraming taon dahil sa pinsalang naidulot niya sa amin ni dad. I thought I had closed the doors in my heart from her. Akala ko. For the past week, walang ibang ginawa si dad kundi ang kumbinsihin ako na makipagkita sa mommy ko. Hindi ko alam kung kailan ang eksaktong araw na nagkabalikan sila, but they really got together. And now, he’s trying to fix us—our family. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa pumayag ako na makipagkita kay mommy. Kaya heto ako ngayon sa living room, nakaupo at pinaglalaruan ang sariling mga daliri; hindi mapakali at tila ba’y sinilaban ang puwét habang naghihinta

