75 - Family Problem Summer’s Point of View “Anong kailangan mo, kuya?” tanong kong muli sa kanya nang nakatingin lang siya nang masama sa akin at hindi nagsasalita. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil kasama namin si mama, at ayokong makita niya kaming nag-aaway. “Nagsumbong sa akin si tisoy,” panimula niya. Halata sa mukha niyang nagtitimpi lang siya. “Hindi mo raw siya kinakausap,” dagdag niya pa. Halatang-halata na hindi niya gustong humarap sa akin ngayon araw. Napilitan lang siguro siya dahil nakiusap si Alexander o ‘di kaya’y dahil natatakot siyang baka maghiwalay kami at wala na siyang mahigingian ng pera. “Oh, ano naman sa ‘yo?” malamig kong tugon at hindi napigilan ang pagtaas ng kilay. “Personal naming away ‘yon. Away mag-syota,” paglilinaw ko dahil nakikisali, eh. Halat

