98 – Colliding Worlds Summer's Point of View She doesn’t like me. Hindi ko mapigilang mapabuga ng hangin habang nakahiga sa aking kama. Lagpas alas onse na ng gabi pero hindi ko pa rin maramdaman ang sipa ng antok dahil hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ng mommy ni Alexander. ‘ Inisip ko na lang na baka sinusubukan niya lang ako; that she was just trying to test kung may itinatago ba akong ‘ugali’, kaya naman sinunod ko na lang ang sinabi niya. I tried to act normal when I got back in our table. Pinilit kong umaktong kaswal sa kanila kahit na gustong-gusto ko nang maglaho dahil sa hiya. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para pagsalitaan niya ako nang gano’n. Did she run a background check on me? Kung oo, wala naman akong naaalalang ginawa kong iskandalo o ‘

