"Makakauwi ka na ngayon sa bahay niyo Celina. Ihahatid kita mismo sa inyo, para na rin makausap mo ang kapatid mo na tigilan na ang pakikipagkita kay Pao!" Mariing saad sa kanya ni Akio matapos ang mahabang sandaling pagkakatulala niya sa sinabi nitong magpapakasal pa rin sila nito kahit alam na nitong hindi siya ang totoong mistress. "Gumawa ka ng paraan para tigilan na ng kapatid mo ang kalandian niya, Celina, huwag mong hayaang ako pa ang gumawa ng paraan, tiyak na hindi mo magugustuhan,' patuloy pa nito sa kanya. Wala siyang nasabi sa takot at kung anu-anong nararamdaman ngayon. Magulo ang kanyang isip at hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Napakagat labi siya habang nakatingin sa mga mata ni Akio na puno ng galit. "F*ck! Stop doing that!" Malakas na sita sa kanya ni Akio. "Sto