CHAPTER 21 Khayne's P. O. V. Nagtungo ako sa kwarto, pansin kong nakabuntot pa rin sa akin ang nurse na babaeng nagngangalang Yna. "Get out," sabi ko nang akmang papasok siya sa kwarto ko. "O-okay po, sir." Sinarado ko ang pinto at nagtungo sa closet ko. Napasimangot ako nang makitang nakahanger sa bandang itaas ang polo ko. Hindi ko ito abot. Napabuntong hininga ako at bumalik sa pinto para tawagin si Yna. "YNA--" nagulat ako nang makita siyang nakatayo pa rin sa tapat ng pinto. Hindi talaga niya ako iniiwanan, napakakulit niya. "Kunin mo ang polo ko," sabi ko at pumunta sa closet. Nakasunod lamang siya sa akin. Rinig ko ang pagsara ng pinto. "That one," sabi ko at tinuro ang polo na sky blue. "Heto po?" tanong niya at hinawakan ang white polo. "Sky blue." "Heto po?" Hinawak