Chapter 16 Monina's P. O. V Napayuko ako habang pinipigilang lumuha. Graduation party na namin pero wala pa rin si Khayne, iniisip ko pa kanina na baka na-traffic lang dahil malayo ang panggagalingan niya pero wala pa rin siya hanggang ngayon. "Nasaan na kaya siya?" bulong ko. Bigla namang lumapit sa akin sina Paul. "Alak?" tanong niya. Umiling ako. Hindi ako sanay uminom ng alak at hindi rin ako pala-inom. Ganoon din si Khayne kaya no to alak kami. "Huy, bakit hindi ka nagpapakasaya?" tanong ni Venice na bumalik sa table namin para kumuha ng baso. Umiling ako. "Hindi ako sanay," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Tara na!" aniya. Nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko. Punong-puno ng students ang whole court na nagsilbing venue ng event namin. S