CHAPTER 32 Khayne's P. O. V Nakaupo ako sa living room at nanonood ng sports. Bigla kong narinig ang pagbukas ng gate sa parking. Sumilip ako sa bintana at nagulat ako nang makita ang pulang kotse ni Mom. "Bakit siya nandito?" bulong ko. Hindi na siya umuwi matapos naming magsagutan noon about kay Hariette, maski si Hariette ay hindi na umuuwi rito. "Khayne." Narinig ko ang pagtawag ni Mom sa akin matapos siyang lumabas sa kotse. Mabilis siyang laglakad papasok ng bahay. Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi ko maintindihan pero kahit noong magising ako mula sa coma ay puro kainisan na lang ang naramdaman ko kala Mom and Dad. Lalo na sa asawa ko. "Why are you here?" tanong ko. "Your Dad told me na natanggal na ang simento sa paa mo yesterday," aniya.