CHAPTER 27 Monina's P. O. V Gabi na, natapos ko nang pakainin si Khayne at painumin ng gamot. "Do you think they will come home?" biglang tanong sa akin ni Khayne. Napatingin ako sa kaniya. "Bakit?" "If they will, I don't want to go out, magkukulong na lang ako rito. I don't want to see them, you know," aniya. Ngumiti ako at tumango. Kung umuwi man sila ay passed midnight na. Madalang naman umuwi ang magulang ni Khayne, lalo na si Hariette. "Papatayin ko na ba ang ilaw?" tanong ko nang makitang nahiga na siya sa kama. "Yes, but I am not yet sleepy," aniya. "Gano'n ba? Basahan kaya kita ng story?" tanong ko. "Sure," aniya. Kinuha ko ang cellphone ko at naupo sa tabi niya. "Aren't you going to read a book?" tanong niya. Tinuro ko ang ce