HININTAY ni Janna si Jin kahit maggagabi na. Gusto niya sabay na silang uuwi at may gusto siyang bilhing halaman sa nakita niyang online seller sa social media. Malapit lang iyon sa tinitirahan nilang subdivision. Planting flowery plants helps her refresh her mind, and Jin supports her in collecting different kinds of flowers. Hiniling pa niya sa asawa na mamasyal naman sila sa Baguio para mamili ng halaman pero wala pang kumpirmasyon si Jin kung matutuloy sila. Saktong alas-sais ng hapon ay dumating si Jin. Kaagad silang umalis dahil gusto na ring magpahinga ng kaniyang asawa. “Gusto ko namang mangolekta ng cactus at succulent, hon. Doon sa Baguio maraming magagandang halaman,” aniya nang lulan na sila ng kotse sa may backseat. Nang tingnan niya si Jin ay nakapikit pero alam niya gisi

