PANAY ang katok ni Aster sa pinto ng banyo pero hindi ito binubuksan ni Janna. Hindi pa naubos ang bigat sa dibdib niya kaya gusto pa niyang umiyak. Even her, surprised by her sudden emotions that she doesn’t expected. Akala niya ay magiging okay rin siya at sapat na ang pag-amin ni Reyven na nagpi-flirt ito ng ibang babae habang sila pa. Pero ang nakita niyang reaksiyon ng binata nang ipakilala ni Jin ang papel nito sa buhay niya, napagtanto niya na mahal pa rin siya ni Reyven, na kahit nahuhumaling ito sa ibang babae ay sa kaniya pa rin ito naging seryoso. Alam niya sa kaniyang sarili na kaya pa niyang bigyan ng second chance si Reyven, at maayos pa ang relasyon nila. Pero tila huli na ang lahat. “Janna! Open the door please!” sigaw ni Aster habang kinakalampag ang pinto. Hindi niya p