Chapter 26

2553 Words
LIA ELIZA ALFARO's POV __ "Mommy, that's not how daddy braids my hair." Tumigil ako sa ginagawa ko. Simpleng braid lang ang alam ko and she didn't like it. "I'll do it," her father said at ito na ang nag-braid ng buhok niya. I just watched him na tila alam na alam kung anong ginagawa niya. Kasama iyon s routine niya so I wouldn't be surprised. Ako pa rin ang naghatid sa kanya sa school at dumiretso ako sa opisina pagkatapos. Umupo ako sa swivel chair ko and opened my laptop. It was Tim's idea na magpagawa ng malaking opisina doon dahil alam niya na gugustuhin kong ubusin ang oras ko sa bakeshop. I found myself watching videos about kids hairstyle. Hindi ko na rin pinansin ang pagpasok ni Riel sa opisina ko. "Bes, naalala mo pa ba si Gail? 'Yung batch mate natin nu'ng college? Ikakasal na siya do'n sa mayamang politiko. Ito pa nga ang chika..." Hinayaan ko lang itong magsalita na tila may humahabol sa kanya. Siya lang ang tinuturing kong kaibigan noong college. Wala akong masyadong kilala, pero kilala niya halos buong batch mate namin kaya nakakusap ko na rin ang ilan dahil sa kanya. Marami din akong nakilala simula nang manligaw at maging boyfriend ko si Tim. Marami siyang circle of friends at marami siyang nakakasama sa mga lakad niya. Iba pa rin ang tiwala ko kay Riel at sa kanya lang ako pinaka-komportable. I didn't consider Tim's friends as my friends too, pero pinilit kong pakisamahan ang mga ito, even until now. "Nakikinig ka ba? I said I will attend their wedding. Samahan mo akong bumili ng heels na bagay sa dress ko. Ano bang pinagkakabalahan mo?" Tumayo ito mula sa pagakakaupo sa silya. Tiniklop ko ang laptop ko bago pa ito tuluyang makalapit sa akin. "Ah... you're studying na on how to do mommy's duties?" sambit nito habang nakangisi sa akin. "Ano na namang pinaplano mong bruha ka? Oplan pigil alis bahay ba 'yan? Nag-count down ka na ba?" Pang-iinis pa nito. "Balita ko may lilipatan na sila ah?" Bahagya kong pinilig ang ulo ko. "Just order your shoes online." "No," agad sambit nito. "Gusto ko nakikita ko kung bagay talaga sa paa ko," nakangusong anito. I sighed. "Give me a few minutes. " Nag-iwan lang ako ng note sa mga orders na ipa-prioritize. Kumapit agad ito sa braso ko pababa ng hagdan. Malapit na kami sa pinto pero tumigil sa paghakbang si Riel. "OMG..." sambit nito habang nakatingin sa lalaking pumasok sa loob ng bakeshop. Tumingin ito sa paligid bago bumagsak ang tingin sa aming dalawa. Unti-unti ring nabuo sa disbelief ang mukha nito hanggang sa umangat ang sulok ng labi niya. "Lia... Riel," sambit nito at preskong lumapit sa amin. Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Riel. "I almost did not regognize you. Do you have a boyfriend?" Tinaasan ito ng kilay ni Riel. "Kasal na ako." "Psh, f**k," natatawang anito. "Bakit hindi mo ako hinintay?" "Tigilan mo nga ako. Mukha ka pa ring m******s, Wayne. Hindi ka kahintay-hintay." "Sakit mo namang magsalita. Anyway, I'm surprised to see the two of you here. Buti naman at magkaibigan pa rin kayo." "This is Lia's bakeshop. Don't be surprised." "Wuoh!" anito at bumaling sa akin. "Masyado na pala akong matagal sa Canada. Wala na akong naging balita sa mga tao dito sa Pinas. Ang laki nito ha," nakangisi pa ring anito. "Hulaan ko, your late husband helped you build this." Ilang sandali kaming kinain ng katahimikan. Riel knew na ayokong pinag-uusapan si Tim kahit sa anong paraan. "Nabalitaan ko 'yung pagkamatay niya years ago. Gusto ko sanang um-attend ng burol niya kaya lang bago pa lang ako sa Canada no'n. How are you now? Single ka pa rin ba? Oh— nga pala, may balita ba kayo kay Chase?" He again smirked at me. "Don't tell me hanggang ngayon hindi ka pa rin pinapormahan?" Namagitan muli ang katahimikan sa amin bago umimik si Riel. "Y-You know him?" He chuckled. "Of course, he's my friend." "Your friend?" hindi makapaniwalang tanong ni Riel. "Bakit hindi namin siya kilala noon—I mean—yeah." "Oh... oo nga pala..." Nakatas pa rin ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa akin. "Pasensya na. Nakalimutan kong hindi niyo siya kilala dahil hindi gusto ni Tim ang idea na 'yon." "What?" muling tanong ni Riel na tila naguguluhan sa sinabi nito. Hindi nito tinanggal ang tingin sa akin. He was smirking at me na tila ba pinaglalaruan ako sa isip niya. "Buti na lang namatay si Tim na wala kang sama ng loob sa kanya. Swerte ng gago." "You know what? Just... stop talking about Tim. Walang dahilan si Lia para magkaroon ng sama ng loob sa kanya." "Oh..." muling sambit nito. "Namatay na siya't lahat hindi mo pa rin pala alam?" Hindi ko tinanggal ang tingin rito at hindi ko alam kung bakit nagsasayang ako ng oras sa kanya. "Alam na ano?" tanong ni Riel. "Matagal na silang may relasyon ni Tracy. Don't tell me hanggang ngayon hindi mo pa rin nami-meet ang anak nila?" My jaw clenched habang unti-unting nagbabaga ang tingin ko rito. "Don't make up stories." He chuckled. "Oop..." Tinaas nito ang dalawang kamay sa ere. "Pasensya na. Akala ko okay lang na sabihin dahil patay na siya. 'Wag kang mag-alala ako lang naman ang may alam. Nakita ko kasi ang mag-ina sa Canada and guess what kung sinong bumibisita sa ka—" "Stop there," malamig na sambit ko habang matalim na nakatingin rito. "He never cheated on me, and never thought of doing it." Nagsimula akong humakbang palabas ng bakeshop. "Lia!" Narinig ko pang tawag sa akin ni Riel. Dumiretso ako sa loob ng sasakyan ko without minding her at nagsimulang magmaneho. Hindi ko alam kung bakit naninikip ang dibdib ko at nag-iinit ang mga mata ko kahit na alam kong hindi iyon totoo. Kilala ko si Tim. Hinding-hindi niya iyon gagawin. Kusang humigpit ang kapit ko sa manibela. I didn't even notice that my hands were shaking. Tracy was his closest friend. Hindi niya iyon gagawin. I tried to compose myself. Hindi ko alam kung bakit umuwi ng bahay. Didiretso sana ako sa silid ko pero kusang huminto ang mga paa ko sa harap ng wedding portrait namin na naka-display sa living room. Nararamdam ko pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. Kusang humigpit ang kapit ko hawak na handbag at kusang nabuo sa kamao ang kaliwang palad ko. I kept reminding myself na hind iyon totoo at hinding-hindi niya magagawa iyon. Hindi ko namalayan na nasundan na ako ni Riel. Naramdamn ko na lang ang kamay nito sa balikat ko. "Bes... 'wag mo na lang pansinin si Wayne. Alam mo namang loko-loko 'yon." I wouldn't really believe him. Kung may paniniwalaan man ako, hindi siya 'yon. "Let's go? Mag-mall na lang tayo? Let's chill..." I again tried to compose myself. Isinantabi ko na ang sinabi nito at sumama na ako kay Riel sa mall. Hindi ko pa rin magawang i-enjoy ang araw pagkatapos iyong sirain ng lalaking iyon. Isa siya sa mga kaibigan ni Tim, and he was a womanizer. Alam kong hindi siya dapat pagkatiwalaan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi nito lalo na nang maghiwlay kami ni Riel. Ako ang sumundo kay Eli sa school niya. "Mommy, it's burning!" sigaw nito. Agad kong pinatay ang stove. Noon ko lang napansin na umuusok na ang pan at maitim na maintim na ang pancake na niluluto ko doon. "Mommy, are you okay?" malumanay na tanong nito. Sandali ko lang siyang tiningnan at dinala ko na rin ang pan sa sink. Lumilipad pa rin ang isip ko. Naglagay ako ng bagong pan sa stove at niluto ko na lang ang natira pang na-mix kong pancake. Tahimik niya iyong kinain sa mesa. Diretso lang din akong nakatingin sa kawalan habang hinihintay siyang matapos para mahugasan ko na ang pinagkainan niya. Tinulungan ko siya sa homework niya. I answered some of her questions except sa tangong niyang 'are you okay'. I honsestly felt dizzy. Maybe it was because of too much thinking o masyado lang akong napagod sa paglalakad namin ni Riel sa mall. Pumasok na ako sa loob ng silid ko before eight. Sinubukan kong matulog pero umabot na ang ala-una, tumatakbo pa rin ang isip ko. I got up frustratedly. Sinuot ko ang tsinelas ko at nagtungo sa stock room kung saan nakalagay ang ilang lumang gamit ni Tim. Nasa closet pa rin namin ang mga pabirto niyang damit. Kahit kailan ay hindi ko iyon tinanggal doon kahit ang ilang gamit na araw-araw niyang ginagamit. Kinuha ko ang mga kahon kung saan nakalagay ang mga lumang gamit niya and looked at all his stuff with a broken heart. Everything reminded me of our memories. Hinayaaan ko lang bumigat ang dibdib ko at mag-init ang mga mata ko. Natapos kong tingnan ang lahat ng mga iyon. I stop for a while. I decided... I decided to know the truth. Alam kong hindi totoo at gusto kong patunayan sa sarili kong hindi totoo. Iniwan ko ang mga kahon doon. Kinuha ko ang susi ng opisina niya at binuksan iyon. Isa ang opsina niya sa paborito niyang lugar sa bahay. Parati ko siyang nakikita roon. It was Riel who suggested na dapat ko na iyong i-lock at hindi na bisitahin pa so I could move on. Maalikabok na sa loob pero ganoon pa rin ang ayos noon noong huli niya iyong iniwan. Nakalagay ang mga litrato namin sa ibabw ng mesa niya. Mabigat ang dibdib ko nang maupo ako sa swivel chair niya. Sinimulan kong tingnan ang mga papel sa mesa na karamihan ay work related. Binuksan ko rin ang mga drawer sa silid ng mesa at isa-isang binasa ang mga papel doon. All work stuff. Tungkol lang sa kompanya nila. Hindi ko alam kug bakit ko pa iyon ginagawa. Somehting inside me was pushing me to do that. Hindi ako matatahimik kung hindi. May ilan pang drawer sa loob ng opisina niya. Tumayo ako para isa-isang buksan ang mga iyon. I scanned all piece of paper hanggang sa may makuha akong envelope sa ilalim ng isang bultong papel. Mga title iyon ng lupa at ng condo units. Properties na wala akong idea dahil wala akong naalalang sinabi niya sa akin pero alam ko kung saan ang condo na iyon dahil doon tumutuloy si Tracy. Unti-unting humigpit ang kapit ko sa mga papel na iyon habang isa-isa ko pang nililipat. The other land ay ang alam kong bahay nito, ang pangatlo sa probinsya niya at sa panghuli... sa Canada. Pakiramdam ko unti-unti nang nagsisikip ang didbib ko. Lahat iyon nakapangalan kay Tim... pero kasal na kami noong binili niya ang mga properties na iyon. Wala akong pakialam kung anong ggawin niya sa pera niya, I just thought... alam ko ang lahat ng ginagawa niya. Why did he keep it a secret? Binuksan ko ang ilang pang drawers at tila ba may sense of urgency na ang mga kamay ko. Wala na akong pakialam kung malukot ang mga iyon o mahalaga ang mga papel na iyon. Binuskan ko lahat ng drawers. Tumigil lang ako nang hindi ko na mabuksan ang isa. It was locked. Lalo ko pang naramdaman ang pagbigat ng hinga ko. Hinanap ko ang susi sa buong opisina niya. I didn't care kung anong gamit ang mahawi ko doon. I didn't find the keys there. Bumalik ako sa stock room. Binuhos ko sa mesa lahat ng gamit niya na nakalagay sa kahon. Nagsimulang uminit ang dibdib ko nang wala akong makitang susi doon. I went to our room. Kinapa ko lahat ng bulsa ng coat niya sa closet hanggang sa makapa ko na ang sa tingin ko ay hinahanap ko. I didn't care kung napapalakas na ang pagsara ng mga pinto. Bumalik ako sa opisina niya para buksan ang drawer. May nakita akong cellphone doon at ilang pirasong papel sa ilalim. Nabasag ang phone na ginagamit niya sa aksidente. Hindi ko na iyon naitabi dahil basag na basag na iyon. I wouldn't be surprised kung may extra siya. I had extra phones too. Hindi ko lang nila-lock sa drawer katulad niya. As I expected nakapatay iyon. The charger was just on top of his table. Nanlalamig ang mga kamay ko habang hinihintay iyong mag-charge at bumukas. I waited sa ilang minuto. I felt more irritated and tensed na nagre-require iyon ng fingerprint. Ilang beses kong sinubukang hulaan ang passcode. Kahit marami nang tumatakbo sa isip ko, sinubukan ko pa ring mag-isip nang maayos para sa huling beses na pagsubok bago mag-lock ng isang oras ang cellphone. Hindi ko na kayang maghintay nang ganoon katagal. I was desperate. I tried Tracy's birthday, and I couldn't believe it opened. I just chuckled shakily in disbelief. Tiningnan ko agad ang messages. Isang numero lang ang nasa inbox. Pakiramdam ko kakawala na ang puso ko habang sinisimulang basahin ang conversation doon mula umpisa. The conversation started few months after our wedding. [Would you come here tonight?] [I don't think so. I don't want Lia to notice.] [Just tell her that you have an important business to do.] [Please, Tim. I need you. Dito ka na matulog.] Doon pa lang nagsimula nang manginig ang buong kalamnan ko. I wanted to read everything pero pakirmdam ko sasabog na ang didbib ko. Nabasa ko ang exchange nila ng 'I miss you'. I could no longer read it any further. Nanginginig man ang mga kamay ko, nagpunta ako sa gallery. I saw their photos there... and their... son. I felt like I totally lost it. Naihagis ko ang cellphone sa pader. At that very moment pakiramdam ko tuluyang bumagsak ang mundo ko. It felt different. Ibang-iba ang pakiramdam. Ibang-iba ang init sa didbib ko na gustong sumabog. Nanlalabo na ang mga mata ko pero tiningnan ko pa ang mga nakuha ko kong papel. I opened one and read it. My teeth clenched after seeing the birth certificate. Kusa iyong nalukot sa mga palad ko. Hindi ko na nagawang basahin ang ibang papel because I totally lose my s**t. Pinigpipilas ko iyon habang bumubuhos ang mga luha ko. I shouted in frustration at hinawi lahat ng gamit sa mesa niya. Pinaghahagis ko lahat ng frame sa dingding because I felt like I would die kung hindi ko ilalabas ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nadoble ang pagkadurog ng puso ko. Akala ko masakit na noong nawala siya.... pero may mas masakit pa pala. I didn't stop to ruin everything in his office hanggang sa hindi nababawasan ang sakit. Damn... he lied. He lied so good. He lied so well. And I couldn't accept that because I gave him my full trust. Nabasag ang hinawi kong base sa sahig. Gusto kong basagin lahat ng gamit doon pero nakarinig ako ng tinig mula sa likuran ko. "Mommy..." Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong katawan ko. Hindi ako nag-abalang lingunin ito. Ilang sandali nakita ko itong nakatayo sa harapan ko. "Mommy..." she again called at hinawakan ang kamay ko pero agad ko iyong inilayo sa kanya. "Don't touch me," I said coldly and started to walk away. Nakasalubong ko pa ang mga mata ng ama niya na nakatayo sa pinto, but I chose to look away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD