LIA ELIZA ALFARO __ "Are you sure aalis ka?" "I have to." Pinagpatuloy ni Riel ang paglalagay ng damit niya sa maleta na siya kong hihiramin. "Kaya ka mo bang mag-isa? Nag-aalala ako sa'yo. Samahan na kaya kita?" "Mike needs you." She sighed. "Oh, basta... nilagay ko na ang antidepressants mo dito at ibang gamot. Tandaan mo na huwag na huwag mong iinumin kasabahy ng alak. Baka... matuluyan ka na talaga. Ito..." Napatingin ako sa pera na inabot niya sa akin. "Pasensya na, bes... sakto lang sa pamasahe mo at saka sa kaunting snacks. Kapos na rin kasi sa budget, e." Nag-alangan akong kuhanin iyon pero wala na akong mahihingan ng tulong kung hindi siya. "This is enough. I'm sorry sa lahat ng abala." "Ano ka ba... that's nothing. We are best friends. Huwag mo na rin mg problemahin fe