KINABUKASAN ay na-late ako ng gising dahil na rin siguro na gabi na kami nakabalik sa mga hotel room namin. Tinapos kasi namin ang pagtatanghal sa may tabi ng dalampasigan at nagkayayaan uminom sina daddy Godipher, daddy Luxus at kuya Jun habang pinapanood ang mga sumasayaw kaya imbis na mag-bar kagabi ay roon na lang kami sa dalampasigan. Kung ang tatlo ay nag-iinuman kami naman ay umorder ng makakain at maiinom pero hindi alcoholic drinks, hindi rin kasi ako sanay uminom ng mga alak o mga nakakalasing na inumin. Pero, ang pinagtataka ko lang, sila daddies ang uminom pero ako ang nahuling gumising, sinulit na naman nila ako kagabi. Pagka-akyat pa lang namin ay hindi ko na sila mapigilan agad nila akong sunggaban.Nasa pinto pa lang kaming tatlo ay hindi na nila ako pinalagpas. Napahawak