ILANG araw na ang nakakalipas, four days na lang before Christmas. Punong-puno na ng mga decorations ang buong sulok ng Mansion. Sa ilang araw na iyon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang babaeng nakita ko sa Supermarket. Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman sa kanya. Hindi naalis ng ilang segundo ang paningin ko sa kanya. Pero ng bumalik ang tingin ko ay nawala na ang babae roon. Hanggang sa pag-uwi ko ay siya pa rin ang iniisip ko at hindi ko alam ba't siya ang tumatakbo sa aking isipan. Ngayon ko lang naman siya nakita. Mukhang names-mesmerize ako sa ganda niya kaya siguro akala ko ay kilala ko siya, ano? Baka isa pala siyang artista, o model na nakita ko sa mga television, o, sa magazine na naka-display sa Mansion. Baka nga gano'n lang iyon. Pero, sana makita ko uli