NAKAPANGLUMBABA ako rito sa may terasa malapit sa may hallway ng room ni Master Godipher. Naghihintay akong umilaw ang relos na suot ko. “Ang init,” bulalas ko sa aking sarili. Tinutok ko sa aking mukha ang nabili kong de-chargeable na electric fan sa isang online shop. Hindi ko na kinakaya ang init ng panahon ngayon. Ayos lang sana kung may hangin, e, pero wala ring hangin. Wala rin kasi si Robin ngayon nasa campus siya at nag-aasikaso ng mga clearance. Kaya heto ako walang magawa kaya tamang hintay na lang ako rito sa gilid hanggang umilaw itong relos ko. Napasandal ako sa silyang inuupuan ko. Ilang araw na akong nananaginip ng ganoon. Puro paghaplos lang naman sa mukha at halik sa buhok at tenga ang nakukuha ko sa panaginip ko pero kapag nagigising ako parang totoong nangyayari. G