KABANATA 23: NAKATULUGAN ko na si Elijah dahil sa tagal nito. Nakuha ko ng maglinis ng sarili at magpalit ng damit pero wala pa rin ito. May mensahe akong iniwan at sinbukan ko ulit tawagan pero wala pa din. Siguro ay hindi pa tapos ang problema niya sa gripo ni Winona. Nakailang message pa ko kung ano ng nangyari sa kanya pero di pa nase-seen ang message ko. Hanggang sa nakatulugan ko na ang paga-antay sa kanya. Hindi na kami nakapag-usap ng umaga. May sikat na ng araw ng nagising ako at si EJ for sure maagang pumasok sa trabaho. Magtatanghalian na ng bumangon ako mula sa kama. Hindi ako nagising sa tawag ni EJ. Basta kapag malalim ang tulog ko wala na kong naririnig. Hindi pa naman maximum level ang tunog ng phone ko. Dahil kagabi napasarap ang tulog ko at tinanghali tuloy. Kumusta