KABANATA 13: NAGISING ako dahil sa katok sa aking pinto. Pagdilat ng mata ay si Gellie iyon. Glass door kasi iyon kaya nakikita ko ang tao sa labas. Kinusot-kusot ko pa ang mata bago sinilip ang oras sa aking relong pambisig. Alas otso na ng umaga! Kaya pala andyan na siya. May mga empleyado na pala ako. Napapikit ako at napahawak sa ulo dahil nahilo. Nagawa ko pa ring tumayo at buksan siya ng pinto. “Anong nangyari sa’yo? Ba’t dito ka natulog?” tanong niya. Sinalat pa niya ang leeg ko sa akalang may lagnat ata ako. “Wala akong sakit. May hangover ako,” sabi ko at bumalik sa sofa para umupo. Sinandal ko ang ulo at inipikit ang mga mata. “Huh? Naginom ka kagabi?” Umungol ako. Ayoko munang makipag-usap. Mukhang nakuha iyon ni Ge