KABANATA 9: SUMUNOD na araw ay maaga akong nagising pero pagbaba ko pa lang para sana pumasok ay nasa sala na si Mommy kasama ang naglalakihang luggage niya. Nakahalukipkip habang pinagmamasdan si Daddy na mukhang puyat at wala pa atang tulog habang nakikipagusap sa driver namin. Hindi pa sumisikat ang araw kanina sinundo na pala niya. Akala ko mamaya pa. Nagmamadali akong lumapit kay Mommy na mula sa pagkakapoker face ng mukha ay biglang naging malambot ng makita ako. “I’m off to work now, but I’m delighted to see you here. Mabuti sumama ka na kay Daddy!” I beamed in surprise. She snorted. “Pinilit niya ko, and he told me that the girl is already here.” She rolled her eyes. “Mom, hindi ka naman siguro magbubuhat ng kama