KABANATA 17: I am emotionless while looking at their pictures. Totoo nga ang sinabi niya dahil may mga dates pa na nakalagay sa picture. “This is edited!” Natataranta si Gellie habang kinukuha lahat ang mga pictures na nagkalat sa couch. May ilan pa mang ding nakiki-usosyo. “Do I look like I’m gonna fabricated that thing?” Nag-angat ako ng tingin. Hindi ko na napansin na may nakapalibot ng security sa amin. Tahimik lang si Pierre pero igting ang panga. Hindi siya papatol dahil una sikat siya bilang international model. Masisira ang pangalan niya at baka mawalan ng trabaho. Pangalawa, pwede siyang ipakulong ni Elijah sa oras na saktan niya ito. Kuyom ang kamao ni Pierre halatang nagtitimpi. Panay ang malulutong na mura kaya hindi na ko nagaksaya ng oras at hinatak ko na ang braso ni E