KABANATA 6: HINDI ako mapakali at panay ang busina ko sa tuwing may traffic. Sinubukan kong tawagan si Mommy pero hindi niya na sinasagot ang tawag ko. Si Daddy na ang kinontak ko pero hindi din sumasagot. I tried to calm myself. Pinipigilan kong tumawag sa telepono sa bahay. Parang non-sense lang din kasi dahil alam kong katulong lang din ang makakausap ko. Hindi lang talaga ako mapakali at natataranta na kaya kahit na parang walang kwenta na gawin iyon ay naisip ko pa rin. Pierre texted me. Panay ang exit ko sa mga messages niya. Tsaka ko na re-replayan dahil hindi ako maka-concentrate ngayon. Halos paliparin ko ang sasakyan marakating lang sa bahay namin sa Taguig. Matagal na ‘yong matinding away nila Daddy at Mommy. Mababaw lang minsan ang pinagaawayan nila nitong mga nakalipas na