KABANATA 29: NANGINGINIG ako sa galit. Pakiramdam ko anumang oras ay kaya kong manakit ng tao. Buong lakas kong binuksan ang closet at pinagtatanggal ang mga gamit ko doon. Nilabas ko ang maleta at nilapag sa kama. Lahat ng gamit ay pabalya kong nilagay sa maleta. Hindi ko na nagawa pang tupiin iyon. Ang aking mga kilos ay puno ng pagmamadali at may halong galit. Kailangan ko agad na umalis sa mansion bago pa ko maabutan ni EJ. Tama na ang nangyaring komprontasyon sa opisina niya. Narinig ko na galing sa mismong bibig nila ang pagtataksil nilang dalawa ni Winona! Sinasaksak na pala ako ng kapatid sa likod. “Ugh!” I screamed as those memories still lingers on my mind. Paulit-ulit na nagre-replay na parang sirang plaka! Kung paano ko sila marinig na nagaaway hanggang sa nagkaaminan na a