KABANATA 32: MAAGA akong nagising kinabukasan. Sinilip ko si Hernan na natutulog sa sala. Naglatag ito ng kutson doon. Bumuntong-hininga ako. Kagabi ko pa siya pinipilit na tumabi sa akin sa pagtulog. Nagawa naman na namin iyon noong nasa Hospital ako kaya ayos lang naman. Kaya lang ayaw ng maulit ni Hernan ang nangyari. Maga-antay daw siya na ikasal muna kami bago magtabi. Hindi ko makakalimutan kung gaano nag-init ang pisngi ko ng aminin nitong hindi nito kayang tumabi sa akin dahil sa temptasyon. Alam niya din naman na hindi pa ito ang tamang panahon at hindi pa ko handa. Although, kumportable ako na kasama si Hernan. Nagbibigay ng pagkailang sa akin ang isipin na gawin ‘iyon’ sa oras na magtabi kami. Hindi pa ako handa at humahanga ako na ginagalang ni Hernan iyon kahit hindi ko na