KABANATA 41: KUMABALOG ang puso ko. Anong aalis? Saan siya pupunta? Pero bakit ko ba iniisip 'yon. Ano naman kung saang lupalop siya magpunta ay dalat wala akong pakialam. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Pilit kong pinipigilan ang sarili na umiyak pero panay ang tulo ng aking luha. Pinagmamasdan ko si Elijah. Naiinis ako na kahit na galit na galit ako sa ginawa niya ay nakakaramdam ako ng pagka-miss sa kanya. “I have no plans on giving up our marriage. Aiko, I am dead serious. I have talked to your Dad and Mom. I ask for forgivene--” “Oh, is that why you have the guts to come here? Kasi nauto mo sila? Napatawad ka? Elijah, hindi ako. I will never forgive you. Get out!” I shouted. Dinuro ko siya sabay turo sa pinto tanda na pinapaalis. Mariin ang tikom ng aking bibig. Dumaan sa