KABANATA 35: PUMIKIT ako ng unti-unti ng nilapit ni Hernan sa akin ang kanyang labi. Tipid pa ang aking ngiti. Nang dumapi ang malambot nitong labi ay sing bilis ng kidlat ang pagflash back ng ala-ala sa akin. Sing bilis din nawala. Nawala ang aking ngiti. Natigilan ako at napadilat. Nakita ko ulit si Hernan na hinalikan ako ng kami ay nasa simbahan! May marangya ulit kaming kasuotan. “Camila?” tanong ni Hernan. Napakurap-kurap ako. Kinakausap na pala kami ni Mayora. Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos ang seremonyas. Mahigpit ang bitbit ko sa pumpon ng bulaklak habang naka-upo kami at naga-antay na ng orders para sa simple salo-salo. Iniisip ko iyong kanina. Hindi ako nananagip pero bigla-bigla akong nakaka-alala. Imahinasyon ko lang ba iyon o talagang parte iyon ng aking