KATAPUSAN 2 NAMILOG ang mga mata ko habang panay ang tili. Lalong maingay sa Nursery room dahil sa magulang at biyenan kong nakikisabay din sa akin sa pagchi-cheer. Katabi ko si Mommy at ang biyenan kong babae naman ay panay ang kuha sa amin ng video. "C'mon, Hana! You can do it!" I chereed. Panay ang palakpak ko at senyas na lumapit pa siya. Kaso nakakita ng rattles na hawak ng Daddy ni Elijah kaya nalihis tuloy ang gapang niya. Napangiwi ako. Panay ang tawag ko sa kanya pero kay Daddy na nagpunta. Tawa tuloy ng tawa ang Lolo. "Wow! Ang galing naman ng baby boy namin! Aba, malapit na! Si Matt-Matt talagang desidido na makarating sa finish line, ah!" sabi ni Mommy. Panay pa rin ang pagsenyas niya kay Matthew at tinatawag ito. "Yehey!" Napuno ng tawanan at pagcheer namin ang buong kw
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books