ANGHELINA NA’NG pinatay ng caller ang tawag, lumambot bigla ang mga tuhod ko. Kumalat ang panghihina sa aking buong katawan. “Miss Anghelina!” Luluhod sana ako sa malamig na sahig pero mabilis na kinapitan ni Crista ang aking magkabilang mga balikat. Napa-tulala ako habang umiinit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. “H-Hindi ‘to maaari…” mahinang bulong ko. “A-Anong nangyari, Miss Anghelina? Sino ‘yong tumawag sa ‘yo?” Hindi ko muna pinansin si Crista. “Dalhin n’yo ako sa kulungan ngayon din! Hihingi ako ng tulong!” Iyon ang aking mga sinigaw. Kaagad akong inalalayan ng mga kaibigan kong soldiers pababa ng entrance. Sumakay kami ng kotche at bumiyahe pabalik ng gate 5 para mapuntahan sina Gideo, Gadreel at Don Dario para malaman ang masamang nangyari kina Kruger at Brown! Tagakta