HINDI na masukat ang kilabot ko sa mga pinagsasabi sa 'kin ni Gadreel. Uminit ang mga tainga ko. Lumabas doon ang usok dahil sa kumukulo kong dugo. "Nababaliw ka na!" Marahas ko s'yang tinulak palayo sa 'kin habang pinandidilatan ko s'ya ng mga mata. "Anak namin 'to ni Kruger! Huwag kang mas'yadong ambisyoso, Gadreel!" malakas na bulyaw ko sa kan'ya. "Ikaw na ang taong may pinakamakapal na mukha na nakilala ko!" nanggagalaiting singhal ko pa. Imbes na sabayan ang aking galit, nginitian na lang ako ni Gadreel. Mas pinatungan lang ang inis ko kapag gan'yan ang nakikita ko sa pagmumukha n'ya. Sobrang kapal ng mukha. Napakakapal. Noon, ang akala ko si Athalie na ang kilala kong garapal pero inagaw na nitong traidor ang trono n'ya. "Pakatandaan mo 'to Gadreel ha..." Dinuro-duro ko s'ya. "H