ANGHELINA “Lolo Dario? Saan po ang punta n’yo?” Aakyat na sana ako sa hagdan ng entrance pero naabutan kong pababa si Don Dario habang inaalalayan s’ya ng Personal nurse n’ya. “Sa gate 5, Anghelina. Pinapatawag ako roon ni Kruger para matingnan ang bago n’yang inbens’yon na baril,” paliwanag n’ya sa ‘kin. Humakbang naman ako paakyat para makasalubong sila. “Magiingat po kayo sa biyahe,” naka-ngiting usal ko bago ko sila nilagpasan. Kakalabas ko lang sa gubat para manguha ng blueberries. Kasama ko si Crista kanina pero nauna s’yang umuwi dahil may duty na n’ya. Hindi ko alam kung ilang araw na ang nagdaan simula noong dumating dito si Athalie. Iniiwasan ko nga s’ya dahil ang sama ng tingin n’ya sa ‘kin. Ibang-iba noong mga nakaraan. May talim na ang pagkakatitig n’ya. Naghinala tu