BROWN BINABA ko ang telepono. “All clear.” Binalingan ko ng seryosong tingin ang aking mga kasama. Naka-upo kaming lahat sa living room ng panibagong apartment na aming nirentahan. Apat na buwan ang tinagal bago namin nahanap ang lungga ng mga kalaban. Magiisang buwan pa lamang kami rito ngunit kahapon lang, sa aming pagiikot sa loob ng bayan na ito, dalawa sa aming mga kasama ay nakita ang isang pamilyar na mukha ng soldier. Nakumpirma nga naming isa iyon sa mga tauhang traidor ng boss. Base sa ulat, bumili s’ya ng sigarilyo sa isang convenient store at anim na patatas. Kaagad namin s’yang sinundan ng palihim. Pumasok s’ya sa isang private street. Sa dulo no’n, may isang malaking bahay na walang palapag. Pinapaligiran ng halos dalawang daang soldiers. May nakuha pa kaming mahalaga