[ RED POV ] Napangiti ako nang marinig ko ang buong pangalan ng anak ko. "Wow! Red! sayo padin ang apilido, pati name kinuha din sa pangalan nyo." Teka? Dared? "Mr. Zapante? Da---" mag tatanong pa lang sana ako ng unahan na niya ako. "Yes, Mr. Morillio, Kay Dared ko ipinangalan ang kalahati ng shares na binili ko sa company mo." Tumahimik na lang ako, pinag mamasdan ko si Ziane sa harap ko, sa tabi kasi siya ng kuya niya nakaupo, sa passenger seat. Ang laki ng ipinag bago niya. Lalo siyang gumanda, Huminto ang sasakyan sa isang hotel, ito ang hotel na pag mamay-ari ni Mr. Zapante. Bumaba kami sa sasakyan at pumasok sa loob, kinuha ko si Dared kay Ziane at kinarga ko ang anak ko. Tumigil ang elevator sa pinaka taas ng hotel, May penthouse pala dito. "Dito kayo nakatira?" tanong ni Jes