[ 3rd PERSON POV ] Madaling araw na ng biglang nagising si Ziane dahil sa lakas ng kulog at kidlat, natakot ito dahil isa-isang nagbalikan ang alaala niya nung araw na lumubog ang barkong sinasakyan nila ng kanyang mga magulang noong siya ay bata pa. Tumayo siya at nagpunta sa gilid ng kama at sumiksik ito sa pinakasulok habang nanginginig na nakatakip ang mga kamay nito sa dalawang tenga niya, nang medyo humina na ang ulan at kumalma na ang kalangitan ay nag tungo siya sa loob ng C.R na lutang pa din, nag kalkal siya sa drawer na para bang may hinahanap, nang matapos na ito sa paghahanap ay may kinuha siya sa isang drawer, inilabas niya ito at pinagmasdan niya mabuti ang cutter na hawak-hawak niya habang nanginginig pa din ang kamay. "Ayoko na po, hindi ko na kaya! mommy, daddy sorry