CHAPTER 7

2039 Words
CHAPTER 7 Sa kabiglaan ni Miguel ay marahas na napatayo si Allana mula sa swivel chair nito kasabay ng pagkuha ng mga folders na tiningnan nito kanina. Naglakad na palapit sa isang pintuan ang dalaga. She opened the door and entered at the adjacent room from her office. "Come here, Miguel," Allana said to him. Nagtataka man sa ikinikilos nito ngayon ay tumayo na rin si Miguel mula sa kanyang kinauupuan at sumunod sa dalaga sa pagpasok sa katabing silid ng opisina nito. Miguel was amazed to learn that it was a conference room that they have entered. Karugtong lamang iyon ng silid ng dalaga na tanging dalawang panel ng pinto ang siyang naghihiwalay. Sa loob ng silid na iyon ay isang napakahabang mesa na kung hindi siya nagkakamali ay napapalibutan ng labing-dalawang upuan. Sa may tapat ng kabisera ng mesa ay isang white board. Mayroon din siyang napansin na isang board kung saan may ilang papel na naka-pin. Sinundan niya ng tanaw si Allana nang pumuwesto ito sa may kabisera ng mesa at doon ay ipinatong ang mga folders na bitbit nito. Lumapit din ito sa board kung saan may mga naka-attach na mga papel. Kinuha nito ang mga iyon at kasama ng mga folders ay ilinatag nito ang mga papel sa ibabaw ng mesa. "Please, take a seat, Miguel," wika nito sa kanya na inilahad pa ang isang upuan sa tabi nito. "A-Ano ang ginagawa mo, Allana?" nagtataka niyang sambit dito. "Please, take a look at this," tukoy nito sa mga papel na ilinatag sa mesa. "Ito ang mga drafts ng mga napag-meetingan namin nang isang araw tungkol sa bagong proyektong nais naming makuha. What do you think about it?" Naguguluhan man sa ginagawi nito ay natagpuan pa rin ni Miguel ang kanyang sarili na lumalapit sa dalaga at pinasadahan ng tingin ang mga papel na pinapakita nito. "Ito naman iyong final ideas para sa presentation na gagawin namin two days from now," wika pa nito at ipinakita din sa kanya ang nilalaman ng folders na hawak nito. "Two days from now?" tanong niya dito. "Yes. Iyon ang schedule ng pagpresenta namin sa Wewear. And we need to get their yes, para sa amin mapunta ang proyekto na ito," saad sa kanya ng dalaga. Hindi siya tumugon dito bagkus ay naupo siya sa upuan na itinuro nito kanina at isa-isang pinag-aralan ang mga papel na nasa kanyang harapan. He read all of them. Naglalaman nga ang mga iyon ng mga ideya para sa isang commercial. May script din siyang nakita at ilang linya na gagamitin para sa naisip na commercial ng mga ito. Matapos niya iyong mabasa ay humarap siyang muli sa dalaga. "Redundant ang ibang linya, Allana," puna niya dito. Inilagay niya sa harap nito ang papel kung saan napuna niya ang paulit-ulit na linyang ginamit ng mga ito. Allana glanced at it. Pinasadahan nito ng basa ang papel na binigay niya dito. "You think we need to remove some lines?" she asked him. "Bakit hindi na lang ganito?" Muli niyang kinuha ang draft na binigay niya sa dalaga. Inabot niya rin ang ballpen na kasama sa mga binitbit ni Allana nang pumasok ito sa conference room. He crossed out the repeating lines. Inayos niya ang palitan ng mga linya. Naglagay din siya ng bagong mga salita na sa tingin niya ay makadadagdag ng interes ng mga manonood para sa produktong ieendorso ng mga ito. Matapos ang lahat ng iyon ay muli niyang inabot ang papel kay Allana. She read it once again. Then, Allana looked at him with amazement in her face. Hindi nakaligtas sa kanya ang labis na pagkamangha na rumehistro sa mukha nito. "H-How did you come out with such ideas in just a short time?" hindi makapaniwala nitong saad. Agad din na hinamig ni Miguel ang kanyang sarili. Hindi niya rin maintindihan kung saan nanggaling ang mga ideya na naisip niya kanina. Katulad ng nangyari kanina sa opisina nito ay mistulang biglang umagos lamang mula sa kanyang isipan ang lahat ng ideya na naisip niya ngayon. "You are a genuis!" Allana exclaimed. "Ang bilis mong makaisip ng mga ideya." Nahihiyang alangin lamang siyang napangiti dito. Kung tutuusin ay hindi na bago sa kanya ang ganoong papuri. When he was still in elementary, he was an honor student. Hanggang nang tumuntong siya sa sekondarya ay hindi siya nawawala sa listahan ng mga may parangal sa kanilang eskwelahan. At kung hindi lamang siguro sila salat sa pinansiyal na aspeto ay malamang na nakapagtapos na rin siya sa kolehiyo at malamang na nakapag-aral din sa malalaking universidad dito sa Kamaynilaan. Pero hindi. Dahil sa kahirapan nila sa buhay ay walang narating si Miguel kahit pa lagi ay may nakukuha siyang parangal sa kanilang paaralan. "I need to set a meeting with my staffs. Ipapakita ko ito," saad nito sa kanya sa magagalak na tono. Hindi na siya muli pang nagsalita. Hinayaan niya na itong isalansan muli ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa. Matapos nilang mag-usap doon ay inaya na siya ni Allana na magtungo na sa function hall kung saan gagawin ang pictorial sa kanilang mga endorsers ng M2M. Nangako ito na pagkatapos na lamang ng pictorial nito ibibigay ang karampatang bayad sa kanya. He just nodded and followed her instructions. ***** LINGGO ng umaga at kasalukuyang naghihiwa si Miguel ng lulutuing gulay. Nasa kusina siya, nakaupo at nakaharap sa maliit nilang mesa habang ginagayat ang upo upang lutuin. Ang kanyang ina ay nasa silid nito at nagpapahinga. Kahit papaano ay hindi na masama ang pakiramdam nito ngunit hanggang maaari ay hindi niya pa rin ito pinapahintulutan na gumawa ng mabibigat na trabaho. Kaya naman kapag wala siyang pasok sa talyer, katulad ng araw na iyon ay inaako na niya ang lahat ng gawin sa loob ng kanilang bahay. Ang trabahong ginawa niya para sa kompanya nina Allana ay natapos nang matiwasay. Ilang araw na rin mula nang lumipas iyon. Lumabas na rin ang naturang commercial sa mga telebisyon, bagay na labis na ikinatuwa ng kanyang ina. Halos hindi ito makapaniwala na makukuha siyang endorser ng isang produkto. Maging ang iba pang nakakakilala sa kanya ay ganoon din ang reaksyon. Ang ilan ay namamangha dahil sa nangyari. Ang iba naman ay hindi maiwasang tuksuhin siya na isa na raw siyang artista, bagay na ipinagkibit niya na lamang ng kanyang mga balikat. Alam niya na hindi na rin naman mauulit ang ganoong bagay sa buhay niya. Nabayaran na siya ng kompanya nina Allana. At hindi niya inaasahan ang halaga na natanggap niya mula sa mga ito. It was more than enough. Sa buong buhay niya ay noon lamang siya nakahawak ng cheque na may ganoong halaga. Kinausap pa siya ni Allana nang araw na ibigay nito sa kanya ang perang iyon. Nais niya pa sanang sabihin na labis ang halagang ibinayad nito. Ngunit ayon sa dalaga ay ganoon daw talaga ang presyo ng modelong nakuha ng mga ito, na marapat lamang na ganoon din ang katumbas na bayad sa kanya. He was amazed by that. Hindi niya akalain na ganoon pala ang kikitain niya. O marahil para sa mga taong nakaaangat sa buhay ay maliit pa iyon. Katulad na lamang ni Allana. Pero para sa kanya ay napakalaking halaga na ng natanggap niya. Nakapagbayad na rin siya sa kanilang kuryente at tubig. Mayroon na rin siyang pangbayad para sa mga utang nila sa tindahan. At higit sa lahat, naibili niya pa ng vitamins ang kanyang ina at ilang supply sa kanilang bahay. Tumayo na siya upang maglakad patungo sa may lababo, kung saan naroon ang kanilang one-burner stove, upang umpisahan na ang pagluluto. Hindi niya pa man nabubuksan ang stove nang makarinig na siya ng pagtawag ni Balong. "Kuya Migz! Kuya Migz!" Sa halip na ipagpatuloy ang ginagawa ay naglakad na muna siya palapas ng kanilang bahay. Si Balong ay nakatayo sa harap ng kanilang pinto. "Kuya Migz, may naghahanap ho sa iyo," saad nito bago itinuro ang taong nakatayo ilang hakbang mula sa kanila. Hindi agad nakapagsalita si Miguel. Hindi niya inaasahan na makikita pa itong muli. Matapos ng ginawa niyang trabaho sa mga ito ay wala ng rason upang magtagpong muli ang mga landas nilang dalawa. Pero heto ngayon ang dalaga at nakatayo pa sa harap mismo ng kanilang bahay. Marahan siyang nagpasalamat kay Balong bago ito umalis na sa tapat ng kanilang bahay. Lumapit naman si Allana nang tuluyan sa kanya at alanganin na ngumiti. "H-Hi," bati nito sa kanya. Agad na napalunok si Miguel. Ni hindi niya alam kung ano ba ang sadya ng dalaga sa pagpunta nito sa kanilang bahay ngayon. "Hi. Kamusta? M-May kailangan ka ba?" saad niya dito. "Gusto sana kitang makausap, Miguel," diretsahan nitong wika sa kanya. "Pumasok ka, Allana," bigla ay naalala niyang sabihin dito. Hindi niya nais na sa tapat lamang ng kanilang bahay silang dalawa mag-usap. Alam niyang ipagtataka ng mga kapitbahay nila ang presensiya ng isang may-kayang babae sa bahay nila. At hindi niya nais maging kumpulan ng usapan hangga't maaari. Pagkapasok sa loob ay agad niyang tinanggal ang ilang kalat na damit na nakapatong sa kanilang upuan. Malinis na ang mga iyon at tupiin na lamang ng kanyang ina. Inilagay niya muna ang mga iyon sa kanyang silid bago muling hinarap ang dalaga. Nasa may pintuan lamang ito at pinagmamasdan ang kabuuan ng maliit nilang bahay. Agad naman siyang nakadama ng hiya dahil doon. "Pasensiya ka na sa maliit naming bahay," aniya sa mababang tono. "Oh no, Miguel. Walang dapat ikahiya," tugon naman nito sa sinserong tinig. "Naparito talaga ako para kausapin ka." "Maupo ka," saad niya sa dalaga na tumalima naman agad. Naupo rin siya sa upuang kaharap nito. "Tungkol saan, Allana?" Akmang magbubuka na ito ng bibig upang sagutin siya nang lumabas naman sa silid ang kanyang ina. Sabay pa silang napalingon dito ni Allana. "M-May bisita ka pala, anak," wika ni Helen. "Nay, si Allana ho. Siya iyong tinutukoy ko sa inyo na kumuha sa akin para sa commercial," saad niya bago balingan din ang dalaga. "Allana, ang nanay ko." "Magandang araw ho," wika dito ni Allana. "Magandang araw naman, hija," his mother said then, faced him. "Ako na lang ang magtutuloy ng ginagawa mo sa kusina, anak." Bago pa man siya makasagot ay naglakad na ito patungo sa kusina upang ituloy ang pagluluto niya. Nang maiwan na lamang silang dalawa ng dalaga ay hinarap na niya ito. "Ano ang kailangan nating pag-usapan, Allana?" "Una, gusto kong magpasalamat muli sa pagtanggap mo sa alok ako. The commercial went well." "Ako ang dapat magpasalamat sa iyo. Labis-labis pa ang binayad---" "I told you, ganoon ang alok naming halaga sa modelong pinalitan mo, Miguel. Kaya marapat lamang na ganoon din ang matanggap mo," wika nito sa kanya. "Salamat," tipid niyang tugon dito. "Gusto ko rin magpasalamat sa ginawa mong tulong tungkol sa presentation na gagawin namin para sa bagong proyekto," she said, smiling. "Kami ang napili ng Wewear, Miguel." Agad naman siyang napangiti dahil sa mga sinabi nito. Ayon sa dalaga ay malaking tulong upang makabawi ang kompanyang pag-aari ng pamilya nito kung sakaling makukuha ng mga ito ang proyekto na iyon. At hindi niya maiwasang matuwa dahil sa kanyang mga narinig ngayon. "Congratulations," aniya dito. "Salamat, Miguel." "Bakit ako ang pinapasalamatan mo? Kayo ang nag---" "No, Miguel," putol nito sa pagsasalita niya. "Kaya kami napili ay dahil sa mga linyang dinagdag mo. The representative of Wewear loved the lines. Maganda raw gawing tagline para sa kanilang produkto." He was stunned to hear that. Hindi niya inaasahan na marinig iyon. "H-Hindi mo kailangang mag-abala pa sa pagpunta dito, Allana. Walang anuman sa akin iyon," nahihiya niyang sambit dito. "Naparito din ako para sa isa pang rason, Miguel," saad nito sa kanya. "Ano iyon?" "Gusto kong alukin ka ng trabaho. Would you consider working for us?" "Allana, ang commercial na ginawa ko ay ang una at huli ko nang gagawin. Hindi ko na nais pang lumabas sa telebisyon," tanggi niya dito. Allana smiled at him softly. "Though, you are really qualified to be a model ay hindi iyon ang inaalok kong trabaho sa iyo, Miguel." Marahas siyang napatingin sa mukha nito. Bago pa man siya makasagot ay nagpatuloy na ito sa pagsasalita. "Work for Millares Advertising, Miguel. As a content producer." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD