BRIAN LOPEZ Point of View Bumalik ako sa aking bahay pagkatapos akong iwan ni lola sa sala. Pagbalik ko ay dumiretso ako sa kwarto ni Cassy sa pag-aakalang naroon pa ito ngunit wala. Mahimbing ng natutulog si Cassy habang katabi ni lola. I smile. Noon kasi ako ang inaalagaan ni lola. Kung paano niya alagaan si Cassy, ganun din siya sa akin noon. Iba talaga kapag mga lolo at lola ang nag-alaga sa kanilang mga apo. I wave my hand at nag flying kiss kay lola bago isara ang pinto. Naisip kong bumalik sa sala at mag tanong sa kasambahay kung nakita nila si Samantha, pero hindi nila ito napansin. Naisip ko na puntahan ang study room. "Pero paano naman mapupunta doon si Samantha?" tanong sa aking isip. Napakibit balikat na lang ako at lumakad papalapit. Binuksan ko ang pintuan at dinungaw an

