SAMANTHA CORTEZ Point of View "Hello, my bundle of joy. How are you?" tanong ko. Kausap ko ang tiyan ko ngayon at hinihimas ito dahil sumisipa na naman ang anak kong makulit. "In less than two months, makikita ka na namin. Makhahawakan ka na namin ng daddy mo." Kapag kausap ko ang aking anak, sinisigurado ko na masaya ako. I always smiling habang kausap ito. Sana maramdaman niya ang pagmamahal ko sa pamamagitan ng kamay ko. Ang haplos ko na nagbibigay aruga, proteksyon at pagmamahal sa kanya. "Anak, marami man mga taong kulang sa buhay natin, kami ng daddy mo ang magpupuno ng lahat. Ang lolo Adrian mo, kahit nasa langit na siya ay alam kong gagabayan ka niya sa paglabas at paglaki mo." Napabuntong hininga ako habang kinakausap ang tiyan ko. "Ang lola mo naman, medyo naguguluhan pa s

