SAMANTHA CORTEZ Point of View Ang ganda ng buong paligid. Maihahalintulad ko ito sa isang paraiso. May magagandang bulaklak at mataas na puno. Isang ilong na napakalinis akung saan kita mo ang reflection ng iyong sarili. Wala akong maramdaman na bigat sa aking puso. Tanging kasiyahan lang ang nadarama ko. Mas pipiliin ko na mabuhay sa ganitong lugar kung saan malayo sa pighati, lungkot at sakit. "Daddy, namiss kita." Sabi ko sa lalaking kaharap ko. "Daddy, huwag mo na akong iiwan. Masaya ako na magkasama na tayo at kahit kailan hindi na maghihiwalay." "Anak, hindi na tayo magkakahiwalay muli." Ngiting sabi sa akin ni Daddy. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Ang mga ngiti sa aking labi ay hindi maikukumpara. "Daddy, balang araw magiging katulad ko rin kayong isang magaling na Enginee

