SAMANTHA CORTEZ Point of View (Secret of the Past Part II) Araw-araw paggising ko binibigyan ako ni Brian at ng magiging anak ko ng dahilan para magpatuloy sa buhay. Maging masaya araw-araw, makuntento sa buhay at iparamdam sa kanila na mahal ko sila ay ang bagay na maibibigay ko. Wala naman akong karangyaan sa buhay pero sisiguraduhin ko na mabubusog sila sa pagmamahal ko. Pagmamahal na kailanman ay hindi magbabago. Hindi ko hahayaan na mangyari ang nangyari sa pamilya ko. Magiging magandang halimbawa ako sa mga anak ko bilang babae at tanging kay Brian ko lang ilalaan ang pagmamahal ko. Hinaplos ko ang pisngi ni Brian na mahimbing na natutulog. Napaluha na naman ako ng maalala ang nangyari kagabi. Nawala man si Daddy, nandito naman si Brian sa tabi ko para punan ang kakulangan sa bu

