SAMANTHA CORTEZ Point of View Nag so-sound trip ako ng K-pop music nang umalingawngaw ang ringtone ng aking cellphone. Hindi ko sinagot ang unang tawag dahil nasisiyahan ako manood ng videos kung saan napapasayaw pa ako. Hala sige! Buong katawan ko napapa-indak. Dahil sa nauusong sensation na mga K-pop music nagustuhan ko na ang mga ito. Nang una kong marinig ito ay nababaduyan pa ako. Nasasabi ko pa na ang OA ng mga nakikinig na tao sa ganitong klaseng kanta. Dahil nga naririnig ko lang, hindi ko nagustuhan. Pero dahil sa curiosity ko, pinanood ko sa Youtube ang mga music videos. OMG! I’m one of them, kaya pala naadik ang mga millennial ngayon sa mga ganitong music. Bukod kasi sa gwapo yung mga kumakanta, ang ho-hot pa! Nakakakilig. Ginawa ko pang mic ang kamay ko habang kinakanta ang

