BRIAN LOPEZ Point of View Tinatanaw ko ang malaking glass window sa aking opisina. Hawak ang ballpen ay dito ko itinuon ang aking galit na nararamdaman. "Chairman, outsider po yung reporter na nanggulo kamakailan sa press conference. Base po sa tauhan ninyo na nag interrogate sa kanya, mga Gonzales po ang nag-utos." "Mukang hindi sila natatakot sa kaya kong gawin sa kanila." bulong ko. Humarap ako kay Ailene na nakayuko ngayon. "You may go." sabi ko dito. Gaya ng hinala ko ay tama nga ito. Sinabihan na ako ni Samantha tungkol dito, dahil ba kialalang kilala na niya ang mga Gonzales? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang tao. "Kamusta yung pinapa imbestigahan ko sa iyo?" "Sir, pinapa check po ni Ma'am Samantha yung account ng daddy niya 5 years ago. Hindi ko pa matukoy a

